Inilahad ng batikang GMA News anchor at dokumentaristang si Kara David na dumanas din siya ng depresyon. Alamin sa video na ito kung papaano niya nalampasan ang naturang pagsubok sa kaniyang buhay.
Sa programang "Tunay Na Buhay" ni Pia Arcangel, sinabi ni Kara na naranasan niya ang depresyon, lima o anim na taon ang nakararaan. Kuwento niya, dalawang psychiatrist ang kinonsulta niya at binigyan siya ng iinuming gamot.
Base na rin sa payo ng kaibigan at co-anchor na si Mariz Umali, sinubukan ni Kara na magsimba. Dito ay nangako siya na araw-araw siyang magsisimba.
Simula noon, dalawa o tatlong beses na niyang sinisimulan ang kaniyang araw sa pamamagitan ng pagse-serve sa simbahan bilang isang lector o commentator.
Sumasali na rin si Kara sa mga triathlon. Panoorin ang kaniyang fitness regime para manatiling healthy sa video. --Jamil Santos/FRJ, GMA News