Sobrang nataranta si ni Nico Bolzico nang i-prank siya ng kaniyang buntis na misis na si Solenn Heussaff.

Sa video, nagpanggap si Solenn na pumutok na "tubig-panubigan" niya na indikasyon na lalabas na ang bata at kailangan na nilang pumunta sa ospital.

Hindi naman malaman ni Nico ang gagawin nang utusan siya ni Solenn na kunin ang bag na dadalhin nila sa ospital.

Sa pagkataranta ni Nico, maling bag daw ang nakuha nito at doon na inamin ni Solenn na nagbibiro lang siya.

Kaya naman niyakap ni Solenn ang kaniyang mister at pinaalalahan na maging kalmado at ready kapag dumating na ang tunay na "big day" ng kaniyang panganganak.

Nasa 37th week na ng pagbubuntis si Solenn.

Samantala, trending din ang mother and son dance showdown ng dating Sexbomb dancer na si Izzy Trazona at kaniyang anak na si Andrei.

Sa trending video, sinayaw ng mag-ina ang 1993 classic dance hit na Macarena. Makikita rito na wala pa ring kupas sa galing sa pag-sayaw si Izzy.

Pero hindi naman nagpatalo ang kaniyang anak na si Andrei.

--FRJ, GMA News