Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Angelu de Leon ang pagkakaroon niya ng Bell's Palsy na dalawang beses niyang naranasan. Kaya naman pinangangalagaan na niya ngayon ang kaniyang kalusugan.
Kuwento niya, nakahiga siya noon nang sumara ang kaliwa niyang mata. At nang ipasuri niya sa doktor, may nakitang white clot.
Inamin ni Angelu na naging mahirap ito sa kaniya lalo't isa siyang artista at lagi siyang nasa harap ng camera.
Upang maiwasan daw ito, kailangan daw palakasin ang immune system at alagaan ang kalusugan. Isang paraan niya para maging fit at healthy sa pamamagitan ng paglalaro ng badminton.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News