Habang ginagawa ang Kapuso series na "Beautiful Justice," pumayag ang Kapuso actor na si Gil Cuerva na goodbye sa kaniyang long hair. Para kaya ito sa kaniyang karakter sa serye?

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing halos limang taon na inalagaan ni Gil ang kaniyang long hair na mistulang naging tatak na rin niya sa showbiz.

Mula nang ipakilala siya bilang si Matteo sa "My Love from the Star, naging co-host sa "Taste Buddy" ni Solenn Seussaff, at ngayon ay gabi-gabi siyang napapanood bilang si agent Vin Ocampo sa "Beautiful Justice."

Long hair nang ipakilala si Vin sa serye pero ngayon ay magkakaroon siya ng bagong look dahil pinaputulan niya ang buhok.  Nang tanungin kung para ba ito sa kaniyang role, sabi ni Gil: "Ayoko munang i-spoil 'yung story ng 'Beautiful Justice' pero later on, malalaman rin ng mga fans or nu'ng mga Kapuso viewer kung bakit nagpagupit si Vin Ocampo."

Sa kaniyang bagong ayos ng buhok, sinabi ni Gil na pakiramdam niya ay gumaang ang kaniyang ulo.

Hanggang kailan naman kaya mananatili ang short hair ni Gil?

"For a while. I'll play around with it muna. Maybe change the style every now and then," anang aktor.--FRJ, GMA News