Muling nakasayawan nina Dingdong Dantes at Arthur Solinap ang kanilang co-members ng dati nilang all-male dance group na Abztract Dancers para sa isang TV campaign.

Sa Instagram post, inilahad ni Arthur na masaya siyang muling nakasama ang kanilang grupo matapos ang dalawang dekada.

 

Kasama rin ng magpinsang sina Dingdong at Arthur ang kanilang kapwa T.G.I.S. actor na si Dino Guevarra at ang beteranang choreographer na si Geleen Eugenio para sa shoot.

"We are the Abztract. It’s an honor to be able to dance again with my brothers and the legend Tita Geleen. Ang saya lang ng reunion natin and after 2 decades nandun parin yung isang kilos natin    congrats Dong and Tita Geleen!" saad ni Arthur.

Dati na ring nag-reunion ang Abztract noong 2015 para sa kanilang 20th year anniversary.

 

 

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News