Sa pagbisita nina Andrea Torres at Derek Ramsey sa programang "Sarap 'Di Ba?," ikinuwento ng dalawa ang kani-kanilang first impression sa isa't isa dahil ito ang unang beses na magkakatrabaho sila sa upcoming series na "The Better Woman."

Sinabi ni Andrea na higit sa nerbiyos, mas nangibabaw sa kaniya ang pagiging excited nang malaman na magiging leading man niya ang hunk actor.

"Kasi matagal ko na rin sinabi sa sarili ko na, 'Ay gusto kong maka-partner 'to [si Derek].' Parang natupad lang yung dream ko," saad ng sexy Kapuso actress.

Kuwento naman ng bagong Kapuso actor na si Derek, may ipinakita na ilang proyekto na kaniyang gagawin pero sa "The Better Woman" siya naging pinaka-interesado.

"When they told me na siya [Andrea] pa yung makakatrabaho ko I did my research. I told her nga I kinda stalk her in Instagram," saad ni Derek. "And I message her, 'I'm really excited to work with you'. And the first day we just click."

Dahil may pagka-sexy ang kuwento ng "The Better Woman," tinanong ng host ng show na si Carmina Villaroel kung anong klaseng "hot scene" ang kaagad na kinunan sa kanilang first day ng shooting.

Nagulat si Carmina nang malaman kina Derek at Andrea kung ano ang naturang eksena na bagaman walang nangyarihang halikan ay inilarawan pa rin na "hot scene." Alamin kung ano ang naturang eksena sa panayam sa video na ito.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--FRJ, GMA News