Isang lalaki ang nagboluntaryong magpapa-tattoo para kunwari sa isang programa. Ang hindi niya alam, si Glaiza de Castro ang magta-tattoo sa kaniya.

Alamin ang reaksyon ng lalaki nang makita niyang bundok ang lumabas na drawing ng kaniyang tattoo sa likod gayung dragon ang kaniyang pinili. Panoorin ang masayang eksena sa "The Boobay and Tekla Show," kung saan pinapili pa ni Glaiza ang lalaki ng, "tattoo o ako?"

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News