Sa pagbisita nila sa barangay para sa segment na "Juan For All, All For Juan," nagpalaro sa mga bata ang dabarkads ng nauuso ngayong palaro na "Pitik-Calamansi," kung saan iikot muna ng tatlong ulit ang manlalaro, lalapit sa kalamansi na nakatakip ang isang mata, at saka pipitikin ang calamansi.
Pero bago ang mga bata, sinubukan muna itong laruin ng "Sugod-Bahay" gang na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Sino kaya sa kanila ang makakatama? Panoorin ang masayang video.
--FRJ, GMA News