Kahit maraming taon na ang lumipas, sariwa pa rin sa alaala ni Therese Malvar kung paano siya nagsimula sa showbiz sa pamamagitan ng lesbian role bilang batang Anita sa indie movie na, "Ang Huling Cha-Cha Ni Anita." Ang pelikula, nagbigay sa kaniya ng Best Actress award at tinalo pa niya ang Superstar na si Nora Aunor.
"Noong 12 years old ako, summer noon, sobrang bored na bored na ako nu'n, eh 'yung mom ko, theater actress na siya noon and she (had) auditions. So one time I was super bored and then she was gonna go for an audition. Sabi ko 'Puwedeng sumama ako, maki-audition ako for fun?' Tapos sabi niya, 'Wait, tingnan ko kung may requirements na bagay sa 'yo,'" kuwento ni Therese sa #Conversations ng GMA News Online nitong Martes.
"May dalawa lang na puwede, isang inglisera, at isang willing to be a lesbian and willing to cut your hair. Kaso sabi ko 'Ay parang ayoko sa isa kasi sobrang haba ng hair ko nu'n, mala-mermaid. But still I went kasi I was super bored," pagpapatuloy niya tungkol sa nabanggit na pelikula noong 2013 kung saan si Angel Aquino ang gumanap na nakatatandang Anita.
Sabi ni Therese, pineke lang niya ang sagot niya kung payag ba siyang gumanap na lesbian nang tanungin siya noon ni direk Sig (Bernardo).
"And then nu'ng magka-line na kami ni mommy, tinanong na ako ni direk Sig (Bernardo) if I was willing to cut my hair," saad niya. "Sabi ko 'Yes! I'm willing!' Tapos nagulat si mommy. Tapos tinanong ni direk Sig mommy ko if I was willing to kiss a girl. And then sabi niya, tanungin niyo si Teri, tapos nu'ng tinanong ako sabi ko, 'Which body part?' And then nagtawanan sila lahat!"
Doon na raw napansin si Therese ng ibang direktor.
"And then sabi nu'ng mga ibang directors, 'You've got your Anita!,'" patuloy ni Therese na bida ngayon sa Kapuso series na "Inagaw Na Bituin."
Matapos nito, nagkaroon na ng manager si Therese at natanggap na sa Kapuso Network.
"And then, it was supposedly a one-time big-time thing na after that acting, wala na, tama na. But then when I won an award... ayun, it started there, tapos ilang days, nagka-manager na ako, and then ilang months, naging part na ako ng GMA Artist Center."
Dahil sa "Ang Huling Cha-Cha ni Anita," nanalo si Therese ng Best Actress award sa 1st CineFilipino Film Festival 2013. Tinalo ng young actress si Nora Aunor na isa sa mga nominees ng naturang film fest.
Bukod kay Therese, mapapanood din sa "Inagaw Na Bituin" si Kyline Alcantara.-- FRJ, GMA News