Loveless pa rin si Jackie Rice pagkatapos nilang mag-break ng non-showbiz boyfriend niya na nakarelasyon niya ng walong taon. Ipinaliwanag din ng Kapuso actress kung bakit bukas siya sa idea na hindi na magkaroon ng nobyo o asawa basta magkaroon lang ng anak.
Walong taon nagtagal ang kanilang relasyon, pero hindi raw iyon pinanghihinayangan ng 28-year-old Kapuso actress.
“Hindi naman, mas naging okay nga siya ngayon,” sabi ni Jackie.
Magkaibigan daw sila hanggang ngayon. May pag-asa bang magkabalikan sila?
“Parang wala naman. Nagka-girlfriend na rin siya, yung ganun, happy na siya sa life niya.”
Pero si Jackie ay hindi pa nagka-boyfriend mula noon.
“Hindi, hindi ko din gusto… baka tomboy talaga ako, charot! Hahaha!
“Baka babae talaga yung gusto ko. Charot lang!” natatawang biro ng Filipino-American actress.
May mga nanligaw naman daw sa kaniya.
“Meron, pero hindi ano, e, ang hirap… may comparison na kasi.
“Galing sa eight years, laging ganun, e, ayoko naman silang mag-suffer, parang ganun.”
Hanggang kailan siya walang boyfriend dahil sa sinasabi niyang comparison?
“Hindi ko alam,” sagot ni Jackie.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon ng bagong Kapuso prime-time series na TODA One I Love January 30, Huwebes.
Kung papipiliin si Jackie, mas gusto raw niyang magkaanak kaysa magkaroon ng boyfriend o asawa.
“Gusto ko nga magka-baby lang, e, ayoko ng boyfriend, ayoko ng asawa.
“Gusto ko lang magpalahi, charot! Hahaha!” natatawang sabi niya.
Ipinaliwanag ni Jackie kung bakit ganito ang mentalidad niya.
“Kasi nakita ko kung sino yung mga diyosa pa rin kahit may edad na, walang problema daw, walang problema sa lalaki, yun ang secret.”
May anak lang?
“Yes, yun daw.”
Isa pang rebelasyon ng Kapuso actress ay hindi siya naniniwala sa kasal.
Saad niya, “Mapapansin pag inano ninyo… sinearch ninyo, parang 2004, parang ganung year, or 2014, yung interview ko, kami pa nung eight years ko, alam ko na eight years ago na…”
Na ayaw niya ng kasal?
“Ayoko, kaya takot siyang bigyan ako ng singsing.”
Dahil?
“Hindi talaga ako naniniwala sa kasal.”
Hindi magbabago ang paniniwang ito ni Jackie?
Pahayag niya, “Gusto ko ikakasal ako… just in case na ikasal ako, yung may mga anak na ako, matanda na ako.
“Gusto ko silang abay sa kasal, yung ganun.
“Yung true love talaga, hindi yung dahil kasabay ko mga nagpakasal na.”
So, maaaring ang kasal niya ay silver anniversary nila na or tenth anniversary?
“Kung sakali, pero hindi ko talaga nai-imagine, ni hindi ko…”
Rason pa niya, “Oo, or siguro dahil half ako, American.
“Yun nga, doon nakita ko laging divorce-divorce, dito mahirap ang divorce.”-- For the full story, visit PEP.ph