Dumating na sa bansa ang mga labi ng aktres na si Isabel Granada galing Doha, Qatar.
Sa ulat ni Mao dela Cruz sa Super Radyo dzBB, sinabing sinalubong ito ng kaniyang anak na si Hubert at asawang si Arnel Cowley sa cargo warehouse ng Philippine Airlines sa Pasay City, sakay ng PR 685.
Mga labi ni Isabel Granada, dumating na sa bansa mula Doha Qatar. | via Mao dela Cruz pic.twitter.com/YuDaNEHJ3G
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 9, 2017
Binalutan ang kaniyang ataul ng watawat ng Pilipinas, at inaasahang bibigyan siya ng arrival honors ng Philippine Air Force.
Ayon kay Lieutenant Butch Guevarra, commanding officer ng First Air Force Reserve Center ng Villamor Air Base, "enlisted" si Isabel bilang regular force ng Philippine Air Force noong Setyembre 18, 2001.
Si Isabel ay miyembro rin ng Philippine Air Force's volleyball team.
Naging emcee rin si Isabel ng Philippine Air Force, na tumutulong na i-boost ang moral ng mga officers mula garrison hanggang sa field.
Public viewing para kay Isabel Granada, itinakda bukas mula 10:00AM - 5:00PM sa Santuario de San Jose Parish, East Greenhills, Mandaluyong. pic.twitter.com/TO5B51lvSr
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 9, 2017
Magkakaroon ng public viewing sa Biyernes at Sabado mula 10 a.m. hanggang 5 p.m. sa Santuario de San Jose Parish sa East Green Hills, Mandaluyong City.
Ike-cremate ang kaniyang mga labi sa Linggo, Nobyembre 12 sa Arlington Memorial Chapels. — Jamil Santos/RSJ, GMA News