Isang segment binuo ng Bubble Gang para i-spoof ang mainit na isyu ng umano'y korupsiyon sa Bureau of Customs.
Sa naturang "Off The Record" ng Bubble Gang, sa halip na shabu ay shipment ng mga wig ang mainit na tinalakay sa Senado.
Sa pagtatanong ni Senator Antonio Billiones tungkol sa isyu, ihahayag ni Commissioner Fael-Doon ng Bureau of Customes na kilala raw niya ang senador.
Itatanggi naman ni Mr. Dong No ang kanyang kaalaman tungkol kay Senator Pac Boy.
Magkaroon kaya ng kalinawan sa pagdinig? —Jamil Santos/ALG, GMA News