Nasawi ang isang delivery rider matapos masagasaan ng isang bus na nagdire-diretso sa Quezon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapapanood sa CCTV ang paghinto ng mga motorsiklo sa stoplight sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Fairlane Street nitong Sabado.

Ilang saglit pa, isang bus ang dumire-diretso at nasagasaan ang isa sa mga motorsiklo, na ikinasawi ng rider.

Ayon sa bus driver, nawalan ng preno ang bus.

Na-inquest na ang bus driver na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News