Nakatanggap ng pambabatikos online ang isang column sa New York Times matapos nitong ilahad na nagbibigay umano ng signals si Taylor Swift na siya ay “queer.”
Sa ulat ng State of the Nation, sinabing nauna nang tinukoy ng American singer-songwriter ang kaniyang sarili bilang “straight.”
Dahil sa isinalaysay ng column, na-trigger ang maraming fans ni Taylor at pinababawi ang naturang artikulo.
Hindi pa tumutugon ang pahayagan o ang kampo ni Taylor. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News