Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na inaasahan nilang darating ngayong Linggo ang paunang limang libong piraso ng plastic card para sa paggawa ng mga driver’s license.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabi ni LTO Officer-in-Charge Hector Villacorta na itatakda pa ng ahensya kung saan unang gagamitin ang mga ito.

Bukod sa papel at plastic na driver’s license, puwede na ring makakuha ng e-driver’s license sa LTMS portal.

Binubuo na ang implementing rules and regulations kaugnay sa paggamit nito.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong nakaraang buwan, target nitong maka-deliver ng hanggang isang milyong plastic driver's license cards sa loob ng 60 na araw o hanggang Agosto 26.

Halos 700,000 ang naging backlog ng paggawa ng driver's license nitong Hunyo, ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News