Isang mananaya ang pinalad na manalo ng P15.8 milyong jackpot prize sa Superlotto 6/49, habang nasungkit naman ng isa pa ang P2.5 milyon sa 6D Lotto, sa ginanap na draw nitong Huwebes, June 8, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa Superlotto 6/49 ay 17-15-37-45-13-31, at may kabuuang premyo na P15,840,000.00.

Samantala, ang lumabas naman na mga numero sa 6D Lotto na tinamaan din ng isang mananaya ay 6-2-7-1-6-1, at may premyong P 2,544,642.00.

Wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 06-11-36-41-40-07, at P7,275,065.00 ang premyo.

Sa Biyernes, may bola para sa Lotto 6/58 na ang jackpot prize na hindi pa rin tinamaan ay umabot na P213,655,359.60. --FRJ, GMA Integrated News