Mas maikli na ang paghihintay ngayong taon sa pagkuha ng appointment para sa US visa, ayon sa US Embassy sa Maynila.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng US Embassy na asahan na mas mapapaikli na ang paghihintay na dati ay inaabot ng dalawang taon.

Ayon kay JP Soriano, sa panahon ng pandemya aabot ng dalawang taon ang paghihintay para magka-appointment ka. Pero sa ngayong taon, sinisikap ng embahada na mas mapaikli na ang paghihintay.

Aabot sa 325,000 US visa ang mapo-proseso ngayong taon, ayon kay Soriano.

Mahaba-haba naman umano ang paghihintay ng mga ipinetisyon na mga kaanak ng isang US citizen na Pinoy.

Kung tourist visa lang sa US ang kukunin,  mas kakaunti ang mga requirement na dokumento,at dapat na matiyak na uuwi agad sa Pilipinas ang aplikante. —LBG, GMA Integrated News

[Para sa detalye ng tips para mapadali ang proseso, panoorin ang buong video sa unahan]