Nagbabalik sa normal ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR), matapos maialis ang nadiskaril na tren sa bahagi ng Don Bosco sa Makati City.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing dadalhin sa depot sa Caloocan ang nadiskaril na tren para inspeksyunin.
Nag-abiso ang PNR na may mga biyahe na umaga nitong Biyernes mula Tutuban sa Maynila hanggang Naga sa Camarines Sur.
Nangyari ang insidente nitong Martes, kung saan tumagilid at nadiskaril ang nasabing tren.
Nakaranas ng mahigit 24 oras na pagka-antala ang operasyon ng PNR matapos ang insidente. —LBG, GMA Integrated News