Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suporta nito sa panawagang iurong ang deadline ng SIM card registration.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na mahalaga ang SIM card registration para sa mga maliliit na negosyo, lalo na sa mga nasa online selling.
Sa pamamagitan ng rehistradong SIM, makikilala ang mga nagbabayad sa mga digital payment at maiiwasan ang panloloko.
Kailangan namang paigtingin ang kampanya para sa SIM card registration sa nalalapit na deadline ng Abril 26.
“SIM registration is very important as we move towards digital payments, and digital payments are what we need to happen to further promote and develop our MSMEs. Because that’s how they can facilitate accessing the market, being able to sell online,” sabi ni Pascual. —LBG, GMA Integrated News