Hindi patatalo ang mga lolo na mahigit 80-anyos na, na nakipagtagisan ng galing sa soccer sa Japan.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapapanood na nag-stretching muna ang mga lolo bago ang laro.
Dati nang may mga ganitong liga sa Japan ngunit kakaunti lamang ang mga nabubuong team.
Ngunit ngayon, 18 na ang mga team.
Ilang dekada nang naglalaro ng soccer ang ilan sa mga lolo.
Bukod sa nagsisilbi nila itong ehersisyo, paraan na rin ito para magkaroon sila ng mga bagong kaibigan. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News