Inaresto ng mga awtoridad ang isang babaeng nagtangka umanong magpuslit ng ilegal na droga sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Kinilala ang suspek na si Maria Cristina Antonio, ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita ng GMA Integrated News nitong Lunes.
Narekober sa suspek ang isang sachet na may lamang hinihinalang shabu na may bigat na 150 grams.
Nagkakahalaga raw ito ng mahigit P1 milyon.
Nakakulong na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Walang pahayag ang suspek. —KG, GMA Integrated News