Buhay pa rin ang pag-asa na maibulsa ang mahigit P411 milyon na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 dahil wala pa rin tumama sa draw nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 16, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), "zero' winner ang nakasaad sa resulta ng naturang draw.

Ang lumabas na mga numero ay 09-23-30-49-33-06, at umabot ang kabuuang premyo sa P411,769,310.80.

Sa Linggo ang susunod na bola sa Ultra Lotto 6/58.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na umabot naman jackpot prize sa P89,341,826.40.

Ang lumabas na mga numero sa Megalotto ay 30-06-09-21-15-36.--FRJ, GMA Integrated News