Nahagip sa CCTV kamakailan ang paghingi ng tulong ng isang matandang babae matapos siyang dukutan sa isang fruit stand sa Marikina City.

May “mabubuting Samaritano” pa nga ba na handang tumulong sa isang taong nanakawan?

Ito ang inalam ng “Good News” sa kanilang social experiment, kung saan kinuhang kasabwat ang dalawang babae at isang lalaki para magsagawa ng kunwaring pandurukot sa isang kainan.

Magpapanggap na mga customer ang tatlo, hanggang sa pasimpleng dudukutin ng lalaki ang pitaka ng isa sa mga babae.

Rumesponde kaya ang mga tao sa paligid sa paghingi ng tulong ng mga kasabwat na biktima? Mayroon pa kayang titindig para komprontahin ang nandukot? Alamin sa video.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News