Napa-awit si Jessa Zaragoza ng “Parang di ko yata kaya” matapos makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, dahilan para isugod siya sa ospital.
Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Jessa ng kaniyang hindi glamorosong karanasan bilang isang celebrity, nang makaranas siya ng sakit sa gitna ng kaniyang trabaho.
"Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka “Parang di ko yata kaya” ???? Di ko na keri!" caption ng singer-actress, na pinatutungkulan ang hit song niyang "Bakit Pa?"
Dahil dito, isinugod si Jessa sa ER sa Cardinal Santos Medical Center, at nalamang meron siyang acute gastroenteritis with mild dehydration.
"Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit. As in. ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that," saad niya.
Pasasalamat niya namang hindi ito pancreatitis, kundi may nakain siyang pagkain na hindi na maganda ang kalidad.
"Thank GOD, that was not the case. Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before???? may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag-multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita. I’m home now, resting. Kakapanghinayang lang din, na-cancel scheds na dapat kong tapusin???? I have to get better first. Sana as soon as possible???????????? Ang hirap magkasakit," sabi ni Jessa.
Paalala ni Jessa sa publiko: "Lesson learned: Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta." —LBG, GMA Integrated News