Patay ang isang motorcycle rider at sugatan ang isa pa matapos dumausdos pababa ang isang 14-wheeler truck na may kargang buhangin at naatrasan ang ilang sasakyan sa Brgy. Valencia, Quezon City.
Sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB, sinabing taga-Brgy. Soccorro ang nasawing rider.
FOLLOW-UP REPORT: Motorcycle rider na nasugatan sa karambola ng ilang sasakyan sa bahagi ng Aurora Blvd. kanto ng Broadway Blvd. sa Brgy. Valencia, Quezon City, pumanaw na; isang delivery rider na nasugatan sa insidente, nasa maayos nang kondisyon. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/G9kwQym28X
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 19, 2022
Sinabi ng Quezon City Police District Traffic Sector 4 na idineklarang patay ang rider ng 8:45 a.m. habang binibigyang lunas sa East Avenue Medical Center matapos magtamo ng matinding pinsala sa kanang binti.
Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, nagulungan ang binti ng biktima nang maatrasan ng naturang 14-wheeler truck.
WATCH: Nahuli-cam ang pagdausdos ng isang 14 wheeler-truck na may kargang buhangin sa bahagi ng Aurora Blvd., Quezon City na ikinamatay ng isang motorcycle rider kahapon. | via @luisitosantos03
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 19, 2022
(????: Brgy. Mariana)pic.twitter.com/CIfBKhcIXY
Maliban sa biktima, sugatan din ang isang delivery rider na nakasunod din sa truck nang tumalon sa kaniyang motorsiklo. Nasa maayos na siya ngayong kalagayan.
Sa isang hiwalay na ulat, sinabing nangyari ang insidente pasado 7 a.m. sa bahagi ng Aurora Boulevard, kanto ng Broadway Boulevard.
Dagdag ng QCPD Traffic Sector 4, sangkot din ang isang forklifter, isang Innova, isang kotse at apat na motorsiklo.
Base sa inisyal na imbestigasyon, hatak-hatak ng forklifter ang 14-wheeler truck, na una nang nasiraan sa bahagi ng San Juan City nang maputol ang humahatak na tow bar.
Dahil sa bigat ng dalang buhangin, dumausdos ang truck at naatrasan ang mga nakasunod na sasakyan.
Pumailalim sa truck ang pumanaw na biktima.
Dinala naman sa QCPD Traffic Sector 4 ang mga nadamay at nawasak na motorsiklo.
DETALYE: 14-wheeler truck na may kargang buhangin, dumausdos paatras sa ilang sasakyan sa bahagi ng Aurora Blvd. kanto ng Broadway Blvd. sa Brgy. Valencia, Quezon City. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/7R4P7wQ3Em
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 19, 2022
—LBG, GMA Integrated News