Arestado ang dalawang padre de pamilya sa magkakahiwalay na insidente ng panggagahasa umano sa mga menor de edad nilang anak at anak-anakan sa Pasig City.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing sangkot ang unang suspek sa kasong nangyari sa Barangay Pinagbuhatan noong Disyembre 2020.

Biktima ng suspek ang sarili niyang apat na taong gulang na anak na babae.

Ang isa pang lalaki ay wanted sa kasong rapesa Barangay Palatiw.

Nangyari ang krimen nitong Agosto, kung saan inabuso niya umano ang 16 anyos na anak ng kaniyang live-in partner.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dalawa na dinala na sa Pasig Police Detention Center. —Jamil Santos/NB, GMA News