Pasok at ika-52 ang Pinoy na ulam na Kare-kare sa Top 100 na mga best rated stew sa mundo ng Taste Atlas.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing may rating na 4.3 out of 5 stars ang Kare-kare mula sa audience ng website.

Sangkap ng kare-kare ang peanut butter, gulay, karne, ox tail o buntot ng baka.

Masarap iterno ang Kare-kare sa kanin at bagoong.

Top 3 ang Phanaeng Curry ng Thailand, Top 2 ang Keema ng India at Top 1 Kar? ng Japan. —Jamil Santos/LBG, GMA News