May panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na maaaring asahan ang mga motorista sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry source ng GMA News Online, posibleng nasa P1.80 hanggang P2.00 per liter ang matapyas sa presyo ng diesel.
Nasa P0.30 hanggang P0.60 per liter naman ang maaaring mabawas sa presyo ng gasolina.
Sa panayam ng Dobol B TV, naniniwala rin si Director Rodela Romero ng Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau, na posible ang rollback batay na rin sa naging galaw ng presyuhan ng krudo sa world market nitong nagdaang apat na araw.
Posibleng higit P1 per liter umano ang mabawas sa presyo ng diesel, pero hindi naman aabot sa P1 per liter ang mababawas sa gasolina.
Nitong nakaraang Martes, ipinatupad ng mga kompanya ng langis ang tapyas sa presyo ng diesel at gasolina na higit P2 per liter.--FRJ, GMA News