Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mismong sumusulat ng kaniyang magiging talumpati sa kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 25, ayon kay Executive Secretary Victor Rodriguez.
Sinabi ni Rodriguez sa mga mamamahayag nitong Biyernes na inilaan ni Marcos ang Sabado at Linggo, pati na ang Lunes ng umaga para tapusin ang talumpati.
"He's the one writing his SONA message. And he will be very busy. Yesterday we tried to relax his schedule so he can write. But ang dami pa ring mga trabaho," ayon kay Rodriguez.
"This morning, we have just, the two ambassadors of Thailand and the ambassador of United States presented their credentials to him this morning. But this afternoon, he has devoted it until the weekend, until morning of Monday, to finalize his SONA message," patuloy ng opisyal.
Hindi masabi ni Rodriguez kung ilang pahina ang talumpati ni Marcos dahil "it is a work in progress."
Pero matatalakay umano sa SONA ang mga plano ni Marcos tungkol sa economic recovery, pagbabalik ng face-to-face classes, at ang magiging COVID-19 response ng bagong administrasyon.
"It’s all about our economy, the economic plans. With the face-to-face opening of this coming school year, it’s all about COVID response, and when we speak of COVID response, it’s not only about health, it goes all the way to the entire cycle of economy, not just health, the economy, you go into education, and so on and so forth," ani Rodriguez.
Sinabi rin ni Rodriguez na tatalakayin ni Marcos sa SONA ang digitalization sa gobyerno.—FRJ, GMA News