Hinuli ng isang lalaki at kaniyang anak ang isang dambuhalang buwaya na pagala-gala sa kanilang lugar at nagdudulot ng panganib sa mga tao sa South Sulawesi sa Indonesia.
Sa ulat ng GMA News Feed, sinabi ng 53-anyos na si Usman na dalawang araw nang gumagala ang buwaya sa kanilang lugar.
"These two days (the crocodile) has been wandering a lot around here. This river is flat by the rice fields, so the crocodile came on to land from there," sabi ni Usman.
"I caught him using a three-meter rope," dagdag pa niya.
Tinatayang nasa 4.3 metro ang haba ng buwaya, ayon sa Natural Resources Conservation Agency (BKSDA) ng Indonesia, na malaking banta umano sa kaligtasan ng mga tao at kabuhayan ng mga residente.
Kaya naman nilakasan ni Usman ang kaniyang loob para hulihin ang buwaya.
"If we had left it, it would have come onto land and we wouldn't be able to go into the rice fields. It could be dangerous. There are also gutters around the road here, places where locals fish," sabi ni Usman.
"It would be dangerous if it crawls up the gutter. I had to take a chance," dagdag pa niya.
Kinuha na ng BKSDA ang buwaya at pinakawalan sa lugar na malayo sa mga tao.
Sa Florida, U.S.A. naman, nag-viral noong nakaraang buwan ang video ng isang buwaya na kinagat ang camera ng isang wildlife photographer.
Hindi naman nakagat ang photographer sa kabutihang palad.
"I didn't think that he would actually lunge up and bite down on the camera," sabi ng wildlife photographer na si Bobby Wummer.
"Fortunately I was able to retrieve the GoPro with only minor damage to my equipment," dagdag pa ni Wummer.-- FRJ, GMA News