Ipinaliwanag ng Mandaluyong City police na hinihintay pa nila ang "warrant" mula sa korte bago nila arestuhin ang suspek sa hit-and-run incident na isang security guard ang biktima.

Ayon kay Mandaluyong City Police chief Police Colonel Gauvin Mel Unos, hindi nila basta maaaresto ang suspek kung walang warrant dahil naisampa na ang reklamo.

“Nawala na po kasi ang bisa ng warrantless arrest pagka-file ng kaso,” pahayag ng opisyal sa GMA News Online.

“As a matter of procedure, kahit sa anong kaso, once the case is filed in the prosecutor's office or the court, ang magagawa ng kapulisan ay antayin ang paglabas ng warrant to be issued by court para maging basehan na mahuli ang suspek,” dagdag ni Unos.

Reklamong frustrated murder at abandonment of one's own victim ang isinampa sa nagmamaneho ng isang SUV na nakabundol at ginulungan ang security guard na si Christian Joseph Floralde.

Hanggang ngayon, sinabi ni Unos na hindi pa nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang suspek.

Sinubukan ng mga pulis na puntahan ang bahay ng may-ari ng SUV para hindi sila pinayagang makapasok ng mga security personnel ng subdivision.

Dahil dito, sinampahan ng pulisya ng reklamong obstruction of justice ang mga security personnel ng subdivision.

Itinakda naman ng Land Transportation Office sa Biyerners, June, 10 ang final hearing sa suspek matapos na hindi ito magpakita sa pagding noong Martes.—FRJ, GMA News