SAITAMA, Japan — Nabigo si "The Filipino Flash" na makabawi sa unbeaten Japanese champ na si Naoya Inoue sa kanilang muling paghaharap sa ibabaw ng ring nitong Martes.

Tumagal lang ng second round ang salpukan ng dalawa, at naidagdag ni Inoue sa kaniyang koleksiyon ang WBC bantamweight world title belt ni Donaire.

Hawak din ng pambato ng Japan ang belt ng WBA at IBF.

Taong 2019 nang unang magsagupa ang dalawa kung saan tinalo ni Inoue si Donaire.

Sa kanilang laban nitong Martes, napabagsak ni Inoue si Donaire sa first round.

Sa ikalawang round, nagpalitan ng matinding suntok ang dalawa pero mas solido ang mga pinakawalan ng Japanese fighter at itinigil na ng referree ang laban sa 1 minute, 24 seconds.

Napanatili ni Inoue ang malinis niyang record na 23 wins, 20 via knockout. — Agence France-Presse/FRJ, GMA News