Mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 47 pang lugar sa bansa hanggang sa Marso 31, 2022.
Inihayag ito ni acting presidential spokesman Martin Andanar nitong Martes, batay sa naging pasya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Bukod sa NCR, ang iba pang lugar sa Luzon na nasa Alert Level 1 ay ang:
Cordillera Administrative Region
Abra
Apayao
Baguio City
Kalinga
Region 1
Dagupan City
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Region II
Batanes
Cagayan
City of Santiago
Isabela
Quirino
Region III
Angeles City
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Olongapo City
Pampanga
Tarlac
Zambales
Region IV-A
Batangas
Cavite
Laguna
Lucena City
Region IV-B
Marinduque
Puerto Princesa City
Romblon
Region V
Naga City
Catanduanes
Sa Visayas, nasa Alert Level 1 ang mga lugar na:
Region VI
Aklan
Bacolod City
Capiz
Guimaras
Iloilo City
Region VII
Cebu City
Siquijor
Region VIII
Biliran
Ormoc City
Tacloban City
Sa Mindanao, Alert Level 1 din ang:
Region IX
Zamboanga City
Region X
Cagayan de Oro City
Camiguin
Region XI
Davao City
CARAGA
Butuan City
Ang mga lugar na wala sa listahan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 simula sa Marso 16 hanggang 31.
Una rito, sinabi ni MMDA General Manager Frisco San Juan Jr., na nakahanda na ang Metro Manila mayors kung ilalagay sa Alert Level 0 ang rehiyon.
Gayunman, sinabi ni San Juan na susunod ang mga alkalde ng NCR sa magiging pasya ng IATF.
Una rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na pinag-aaralan ng pamahalaan na ibaba pa ang alert level status sa COVID-19 protocol.
Ayon kay Duque, anim na araw na magkakasunod na hindi umabot sa 1,000 ang daily COVID-19 cases sa bansa. Samantala, kabilang naman ang NCR sa 38 lugar na nananatiling mababa ang mga kaso.
Noong nakaraang linggo, nasa average na 590 lang umano ang daily COVID-19 cases sa bansa, ayon sa DOH.— FRJ, GMA News