Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang sakong itinapon sa gilid ng Quirino Highway sa Barangay Greater Lagro, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.
Nakagapos pa ang mga kamay at paa ng lalaki nang matagpuan ito ng ilang mga nagbibisikleta, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB.
Ayon sa mga pulis, posibleng biktima ito ng summary execution at pinahirapan muna bago ito pinatay.
Tinatayang nasa edad 30 anyos ang biktima at kulay blonde ang buhok nito.
LOOK: Ayon sa mga pulis, tinatayang nasa edad 30 gulang ang biktima na kulay blonde ang buhok @dzbb pic.twitter.com/26VnyhYHei
— Luisito Santos (@luisitosantos03) September 26, 2021
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —KG, GMA News