Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na handa niyang bigyan ng puwesto sa Gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte kapag siya ang nanalong presidente sa Eleksyon 2022.
"I can, I can give him [a Cabinet post]," tugon ni Moreno sa panayam ng ANC nitong Biyernes.
"I know the meaning of respect," sabi pa ng alkalde na nagdeklara na kamakailan ng kaniyang intensyong tumakbong presidente sa darating na halalan.
Paliwanag ni Moreno, lagi siyang handang makipagkasundo sa kaniyang mga nakatutunggali sa pulitika gaya nang nanalo siyang alkalde ng Maynila noong 2019.
"Why is that when you run, you have to be [allied with the] administration or opposition? Dilaw ka o pula ka I really don't care, as long as you're an asset of the country. Even though you didn't vote po me, I will hire you," anang alkalde.
"I did that in Manila, I placed people of opposing sides in the same department, and look what it brought us: economic growth from P20 billion to P30 billion a year, investment at P123 billion in the first year, P147 billion the 2nd year," patuloy niya.
Bago naging alkalde si Moreno, nagsilbi siyang chairman ng North Luzon Railways Corp. (Northrail) at undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa administrasyon ni Duterte.
Nakatakda namang tumakbong bise presidente sa Eleksyon 2022 si Duterte sa ilalim ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Samantala, sinabi ni Moreno na pabor siya na isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ng mga opisyal ng gobyerno.
"SALN is a public document, it's there," aniya. "Everyone down the line [dapat ipakita sa publiko]... 'yun ang sinabi ng batas."
Ang pahayag ay kaugnay sa pasya ng Palasyo na ipaubaya sa Office of the Ombudsman ang pagsasapubliko ng SALN ni Duterte. --FRJ, GMA News