Makikita sa video na inilagay ng Agence France-Presse (AFP) sa Twitter ang aerial view sa nakalipas na tatlong araw mula nang pumutok ang Cumbre Vieja Volcano sa isang isla sa Spain.
Lumabas ang isang malaking bitak sa gilid ng bulkan sa La Palma, isa sa mga isla sa Canary Islands sa karagatan ng Morocco, at noong nakaraang araw ng Linggo pumutok ito.
VIDEO: Aerial views of the first three days of the eruption of the Cumbre Vieja volcano.
— AFP News Agency (@AFP) September 24, 2021
Lava from the volcano on the Spanish island of La Palma, one of the Canary Islands off the coast of Morocco, has destroyed hundreds of buildings and forced thousands to evacuate pic.twitter.com/skVPFylGCi
Ayon sa ulat ng AFP, daan-daang mga gusali ang nasira sa eruption at aabot sa anim na libong mga residente ang nailikas magmula pa noong Martes.
Nagpapatuloy ang aktibidad ng bulkan, ayon sa ulat ng AFP. —LBG, GMA News