Nasira ang trash rake ng Tripa de Gallina pumping station ng Pasay City, kasabay ng pananalasa ng bagyong Jolina sa Metro Manila.
Iniulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes na dahil sa nasira ang trash rake, nag-iwan ng santambak na basura ang nagdaang bagyo dahil hindi na masalok ang mga basurang dumadaloy galling sa mga estero.
Ayon sa ulat, ang Tripa de Galina pumping station sa Pasay ay ang pinakamalaki sa buong National Capital Region (NCR).
Nakakolekta umano ito ng aabot sa 20 toneladang basura sa mga nagdaang pag-ulan. —LBG, GMA News