Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government ang contract tracing sa Caloocan matapos dagsain ng mga usyoso ang hostage-taking incident kamakailan.
Sa ulat ni Katrina Son sa Unang Balita nitong Lunes, kita kung paano dinumog ng tao ang hostage-taking incident na tila walang pandemya.
Ayon naman sa otoridad, agad namang na-isolate ang crime scene pagdating ng mga pulis. Paulit-ulit daw nilang sinabihan ang publiko na lumayo sa crime scene.
Ikinabahala naman ang DILG ang pangyayari kaya iniutos nito ang agarang contact tracing.
"Nagkaroon ng unnecessary mass gathering kaya dapat ay tutukan 'yan ng barangay at baka magkaroon ng transmissino diyan lao na Delta variant," ani DILG Secretary Eduardo Año. —KBK, GMA News