Mula noong Abril 18, ngayon lang ulit umabot sa 1.06 ang reproduction number ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research nitong Martes.

Sa pinakabagong ulat ng OCTA, sinabing ang average daily new cases sa NCR ay tumaas ng 11% sa 701 mula July 13 hanggang July 19.

Sa nakalipas na apat na linggo, hindi umano sa umaabot sa 700 ang daily average sa NCR.

“This uptick in the NCR is a cause for concern but not yet a cause for alarm, as it is still too early to determine if this will continue to an increasing trend,” ayon sa research group.

Ang Maynila at Makati ang nakapagtala ng pinakamataas na na reproduction numbers na nasa 1.1 at 1.4.

“This indicates an increasing trend in new cases in these two LGUs. Manila had a one-week growth rate of 35% while Makati had a one-week growth rate of 29%,” ayon sa OCTA.

Nakitaan din ng pagtaas sa mga kaso COVID-19 sa nakalipas na linggo ang Valenzuela, Pasay, Marikina, at Parañaque.

Sa Metro Manila, sinabi ng OCTA na ang Mariveles pa rin ang nananatiling “very high risk” sa COVID-19.

"High risk" naman ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan.

Mayroong 47,561 active cases ng COVID-19 sa Pilipinas.--FRJ, GMA News