Dalawa sa limang sinasabing tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa Barangay Tumangas, Parang, Sulu nitong katapusan ng linggo.
Ang mga naaresto ay nagmula pa sa bayan ng Sitangkai, Tawi-Tawi at dumayo ng Parang upang mag-benta ng droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency- Sulu, ikinasa nila ang operasyon kasama ang Philippine National Police at Philippine Army sa tulong ng mga residente sa lugar.
Isang PDEA agent ang nagpanggap ng buyer ng shabu.
Matapos magka-abutan ng pera at droga ay nakatunog ang limang suspek kung kaya’t nakatakbo ang mga ito at nakipag-palitan ng putok sa mga awtoridad.
Tatlo sa limang suspek ang nakatas. Kinilala naman ang dalawang naaresto na sina Haizar Yusop at Jimmy Madjiul.
Nakuha sa mga naaresto ang higit sa 1 kilong high grade na uri ng shabu.
Nagpapasalamat ang LGU ng Parang sa pagkakahuli sa mga tulak ng droga.
Hawak na sila ngayon ng PDEA habang nagsasagawa naman ang pagtugis ang mga sundalo at pulis. — DVM, GMA News