Ikinuwento ng dating PBA player na si Ali Peek ang kanilang pagsubok nang tamaan ng COVID-19 ang kaniyang pamilya, kabilang na ang dalawa niyang anak.

Sa ulat ni Lei Alviz sa GMA News "24 Oras," sinabing nangyari ito noong Nobyembre.

Dalawang taong gulang noon ang isa niyang anak, habang ang isa ay bagong panganak pa lamang.

"I was concerned moreso with Aliyah because she is only two weeks old, and her immune system was still developing," sabi ni Ali.

Nagpagaling ang pamilya ni Ali sa bahay, sa tulong ng mga health care worker na nag-monitor sa kanila.

Umaasa si Ali na mababakunahan din ang kaniyang mga anak laban sa COVID-19.

"The fact that he will be able to go to school and be around with other kids and have that environment being able to interact, I think that is so important," sabi ni Ali.

Kasama ang mga anak ni Ali sa mahigit 104,000 na edad 0-17 anyos na nagpositibo sa virus sa bansa.

Hanggang nitong Hunyo 9, walo sa bawat 100 COVID cases sa bansa ay mula sa age group na ito, kung saan 329 sa kanila ang namatay. —LBG, GMA News