Muntikan na namang mauwi umano sa misencounter ang anti-drug operation ng mga pulis ng Quezon City Police District Station 4 at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang mall sa Fairview, Quezon City nitong Biyernes.

Ayon kay Glen Juego ng Super Radyo dzBB, nangyari ang insidente sa anti-illegal drugs operation ng magkabilang panig dakong 3:00 p.m.

Inihayag umano ng source ni Juego, nagpakilala umano ang mga pulis sa mga operatiba ng PDEA kaiwasan ang putukan.

Kinumpirmana ni QCPD chief Police Brigadier General Antonio Yarra kay Juego, na mayroong drug operation sa lugar pero hindi natuloy.

 

 

Wala pang iba impormasyon na ibinibigay ang magkabilang panig.

Pero pareho umanong lehitimo ang operasyon, ayon sa pulisya.

Sa larawan ni Juego, makikita ang ilang mataas na kalibre ng armas, bullet proof vests na may markang pulis, at cellphones na nakalatag sa semento.

Nitong nakaraang Pebrero, naging madugo ang anti-drug operation ng QCPD at PDEA nang magkasagupa ang dalawang grupo sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa ational Bureau of Investigation na inatasang magsiyasat sa insidente, dalawang PDEA agents at informant, at dalawang pulis ang nasawi sa insidente.

Parehong iginiit ng QCPD at PDEA na lehitimo ang kanilang operasyon.--FRJ, GMA News