Nanawagan si Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor sa pamahalaan na maagang ibigay ang mid-year bonus ng mga kawani ng pamahalaan. Sa Maynila, pinirmahan na ni Mayor Isko Moreno ang pondo para sa naturang bonus ng mga kawani sa lungsod.
Ayon kay Defensor, makabubuting kung ibibigay na ng pamahalaan ang mid-year bonus sa May 14, Biyernes.
βThe early release of their incentive will be a big help to our more than one million workforce in the bureaucracy amid the pandemic, especially our healthcare and other frontliner workers, β sabi ng kongresista sa pahayag.
Sabi pa ni Defensor, dapat bigyan din ng mas malaking insentibo ang mga government nurse at dagdagan din ang sahod.
Ayon sa mambabatas, nakasaad sa Republic Act No. 11466 na, "state personnel, from the president down to the lowest-paid janitor or clerk, are entitled to a mid-year incentive equivalent to one-month salary, to be given not earlier than May 15 of every year.β
Dagdag pa niya, dapat inilabas na ng Department of Budget and Management ang pondo para sa naturang bonus.
"Since May 15 this year falls on a Saturday, I am appealing to our agencies to advance the payment of the bonus on Friday,β ayon kay Defensor.
Sa Maynila, inihayag ni Mayor Moreno na inaprubahan na niya ang pagpapalabas ng P350-milyon para sa mid-year bonus ng mga kawani ng lungsod.
Nasa 8,745 na regular na kawani ng lungsod ang makatatanggap ng naturang bonus simula sa Mayo 18.
Umaasa ang alkalde na makatutulong ang mid-year bonus sa mga kawani na patuloy na nagtatrabaho ngayong may COVID-19 pandemic.
"We are under the State of Emergency in the city of Manila and at the same time, we are under the State of Public Health emergency as declared by the President," anang alkalde.--FRJ, GMA News