Sinabi ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na pagpapakita ng kawalang ng paggalang kung tinawag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr., na estupido ang mga senador na nais alisan ng pondo ang task force dahil sa isyu ng "red tagging."
“It’s really disrespectful to say the least if Parlade said that we are stupid for passing this (budget for NTF-ELCAC),” sabi ni Drilon sa pahayag.
Sa panayam sa CNN nitong Huwebes, sinabi ni Parlade na “stupid” para sa mga senador na alisan ng pondo ang task force samantalang sila ang nag-apruba na ipagpatuloy ang mga programa ng NTF-ELCAC.
Ayon kay Drilon, kabilang siya sa mga senador na tumutol noon na bigyan ng pondo ang anti-insurgency task force.
“I was objecting to this (NTF-ELCAC budget) from day one. It’s on record. I have been objecting to it…. In the Senate, I questioned this. I placed safeguards. It was accepted in the Senate. In the bicameral, however, I am sure Malacañang lobbied that it came out the way it [is] written today,” ayon kay Drilon.
Nitong Huwebes, ilang senador ang nagsulong na alisin ang pondo ng NTF-ELCAC dahil sa "red-tagging" maging sa mga taong nagsasagawa ng community pantry na naglalayong tulungan ang mga nagigipit ngayong panahon ng pandemic.
Nais ng mga senador na ilipat na pang-ayuda ang pondo ng NTF-ELCAC .
Si Sen. Nancy Binay, bagaman kinikilala ang magandang layunin ng task force para sa mga lugar na nakalaya sa impluwensiya ng mga rebelde, kinukuwentiyon naman niya ang uri ng mga proyektong ginawa nito sa lugar.
“In fact during the budget deliberations I raised this issue kasi ang fear ko nga is madoble ang trabaho," patungkol niya sa P19 bilyon na inilaan sa NTF-ELCAC.
"For example, school buildings -- we know [that DepEd has this] last mile program and basically it is the same program,” paliwanag ni Binay sa panayam sa ANC.
“‘[The] farm-to-market road, the Department of Agriculture has a program o this. And another issue is [the] capability of a barangay to handle a P20-million fund," dagdag niya.
Kasabay nito, kapwa kinuwestiyon nina Drilon at Binay ang patuloy na paghawak ni sa Parlade sacivilian position habang aktibo pang militar, na paglabag umano sa Saligang Batas.--FRJ, GMA News