Arestado ang isang lalaki matapos lumabag sa curfew at mahulihan pa ng iligal na droga sa Quezon City, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, galing sa P1,000 na ayudang natanggap ang ipinambili ng suspek ng shabu.
Itinanggi ng suspek na kinilalang si Joven Llera na galing sa ayuda ang ipinambili niya ng droga, bagama't inamin niyang sa kaniya ang satchet ng shabu na nakuha sa kaniya.
Mahaharap si Llera sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. —KBK, GMA News