Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang granted emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech.
"After thorough review, the FDA is granting EUA to Pfizer-BioNTech COVID-19. The interim data from the ongoing Phase 3 trial shows the vaccine has an efficacy rate of 95% in the study population and at least 92% among all racial groups. The EUA means the benefits outweigh the known and potential risks,” pahayag niFDA Director General Eric Domingo nitong Huwebes.
Dagdag pa ng opisyal, "This is effective immediately."
Maaari umanong ibigay ang Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine sa mga taong 16-anyos pataas.
Ang Pfizer-BioNTech ang unang COVID-19 vaccine na nabigyan ng EUA sa Pilipinas para magamit na panlaban sa nakamamatay na virus.
Tungkol sa side effect ng Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine, sinabi ni Domingo na pansamantala lang ang mga epekto nito, mild to moderate, at katulad ng mga karaniwang reaksiyon ng katawan sa mga bakuna.
“No specific safety concerns were identified," saad niya.
Gayunman, dahil limitado lang muna sa dalawang buwan ang ginawang obserbasyon sa naturang bakuna, posible umanong magkaroon ng iba pang side effects ang bakuna sa hinaharap.
“Close surveillance and monitoring is needed after immunization,” ani Domingo.
Sa ngayon, nasa limang bilyong katao na umano ang nabigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Kinakailangan lamang na mailagay ang bakuna sa napakalamig na storage na -70 hanggang -80 degrees Celsius, na ang pasilidad ay maaaring ilagay sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.
Samantala, nag-apply na rin umano ang Chinese firm Sinovac ng emergency use authorization sa FDA, ayon kay Domingo.
Pero hindi pa umano nagbibigay ng mga rekisito ang Sinovac na hinihingi ng FDA para mabigyan ng EUA. — FRJ, GMA News