Sinuspinde ni Manila City Mayor Isko Moreno ang klase sa lahat ng antas ng paaralan (private at public) sa Sabado, Enero 9, 2021 pata sa kapistahan ng Itim na Nazareno. Ipatutupad din ang liquor ban simula mamayang hatinggabi.
Ayon sa Moreno, suspendido rin ang pasok sa lokal na pamahalaan sa Sabado.
Ipauubaya naman sa mga pamunuan ng mga pribadong tanggapan at pamahalaang nasyunal kung magdedeklara rin ng walang pasok.
"The suspension of classes will not only give the parents and students the time to participate in the religious activities, but will also give them full access to the use of internet and gadgets and follow activities at home and avoid crowding in churches," nakasaad sa Executive Order No. 01 series of 2021 na inilabas ng alkalde.
Sinabi naman ni Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, tagapagsalita ng NCRPO, na magsisimula ang liquor ban ng 12:01 am sa Sabado.
"Manila area only, hindi po ang buong Metro Manila. Kung saan po ang lugar na pagdadausan ng Feast of the Black Nazarene," sabi ni Tecson. — FRJ, GMA News