Nagpa-party at may nightlife na ulit ang mga tao sa Wuhan City, na dating epicenter ng COVID-19 sa China.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing bukas na ulit ang maraming night club at hindi na nagsu-suot ng face mask ang ilang mga puma-party at namamasyal.
Nag-iinuman na rin at kumakain ng street foods ang ilang residente.
May mga nagsasayawan na rin sa park at punuan ang mga ferry para sa mga may balak mag-sightseeing.
Sinabi ng isang residente na tila nagkaroon ng pangalawang buhay ang kanilang siyudad matapos ang pitong buwang lockdown. —LBG, GMA News