Napatay sa magkahiwalay na engkwentro laban sa mga awtoridad ang tatlong hinihinalang holdaper sa Quezon City, ayon sa mga pulis.

Iniulat sa "Unang Balita" nitong Biyernes na wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na napatay na umano'y magkasabwat sa panghoholdap ng isang taxi driver.

Inihayag ng mga pulis na unang napatay sa engkwentro ang isa sa tatlo na sakay ng motorsiklo, sa may Barangay Batasan Hills.

Dead on the spot ang suspek matapos makipagpalitan umano ng putok sa mga pulis, nang makorner ito sa dulo ng habulan mula sa checkpoint na tinakasan nito sa may IBP Road.

Samanatala, napatay naman sa Sauyo, Novaliches ang dalawang kasamahang holdaper sa follow-up operation.

Magkasabwat umano ang tatlo.  Lumalabas, ayon sa mga pulis, na lookout ang unang napatay nasuspek sa panghoholdap ng isang taxi driver, batay na rin sa kwento ng biktima.

Agad na nagsumbong ang taxi driver sa mga pulis na nagsagawa ng follow-up operation.

Pahayag ng taxi driver, nagsakay siya ng dalawang pasahero na nagpahatid sa isang hospital sa Commowealth Avenue. At habang nasa biyahe, nagdeklara ng holdup ang dalawa at inagaw ang taxi. Ang napatay na rider ay nakasunod umano sa kanila bago ang panghoholdap.

Naabutan ang dalawang suspek sa Sauyo. Doon nagkabarilan ang napatay ang dalawa.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek. —LBG, GMA News