Mababang lebel ng dissolved oxygen sa tubig ang tinitingnang dahilan sa pagkamatay ng mga isda sa Manila Bay na naglutangan noong Huwebes ng umaga sa may Baseco Beach sa Tondo, Maynila.
Iniulat ng Unang Balita nitong Biyernes na batay sa water sample na nakuha, 0.11 milligram sa bawat litro ng tubig ang dissolved oxygen.
Ayon umano sa mga eksperto, five milligrams per liter ang "acceptable" na lebel ng dissolved oxygen, dagdag ng balita.
Batay sa panayam ni GMA News reporter na is Mai Bermudez sa mga residente, may mga ilang taga-Baseco Compound ang nanguguha ng patay na isda at niluto. Ayon pa sa isang nakapanayam, may ilang mga residente rin ang nagbenta ng mga napulot na isda na dinala nila sa palengke.
Patuloy naman ang mga tauhan ng MMDA sa paghahakot ng mga lumulutang na isda. —LBG, GMA News